Home » News » News Roundup » Babaeng jeepney barker binaril

Babaeng jeepney barker binaril

Isang babaeng jeepney barker ang binaril at napatay ng dalawang nakamotorsiklong lalaki sa harap ng isang food stall sa Caloocan City nitong Martes ng gabi.

Kinilala ng police ang biktima na si Mary Ann Vergara, 40, residente ng Barangay 81, Caloocan. Base sa police report, nakatayo si Vergara sa harap ng isang food stall sa Barangay 81 bandang 8 p.m. nang biglang lapitan at pagbabarilin ng dalawang lalaki na nakasuot ng bonnet at nakasakay sa motorsiklo na walang plaka.

Isinugod ng mga tao sa lugar si Vergara sa pinakamalapit na ospital ngunit idineklarang siyang dead on arrival. Nakuha sa crime scene ang anim na basyo ng bala mula sa .45-caliber, ayon sa police. (Jel Santos)

comments