Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 13 drug suspects tiklo sa Manila

13 drug suspects tiklo sa Manila

Labintatlong katao ang inaresto dahil sa illegal drug possession sa magkakahiwalay na police operations sa Manila nitong Miyerkules.

Base sa report ng Sta. Cruz Police Station, nadakip ang mga suspek na sina Jennifer Fernandez, 37; James Detubio, 29; Salvador Alsala, 40; at Godofredo Ramos, 56, bandang 10 p.m. sa Quiapo district.

Na-recover sa kanila ang walong maliliit na pakete ng shabu. Nadakip din sina Jaylord Eduke, 18; Rommy Amarillo, 30; Jerwin Hermoso, 19; Richard Seva, 22; Marilou dela Cruz, 36; Lenard Jack Bias, 26; Jenseneffrey Torres, 27; Richard Belizon, 40; at Paul Michael Jose, 37.

Nakuha sa kanila ang 14 pakete ng shabu at drug paraphernalia. Nakatakdang sampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa R.A. 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act) sa City Prosecutor’s Office. (Analou De Vera)

comments