Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Houseboy pinatay sa saksak

Houseboy pinatay sa saksak

Sinisiyasat ng pulisya ang pagkamatay ng isang 19-gulang na houseboy na natagpuang tadtad ng saksak sa katawan sa lugar na kanyang pinagta-trabahuhan sa Intramuros, Manila, noong Miyerkules ng umaga.

Base sa imbestigasyon, ang biktima na nakilalang si Rene Porquez ay naatasan na magpakain ng mga alagang isda sa fishpond ng kanyang among si Jimi Lim sa loob ng bodega sa 471 General Luna Street dakong 7:16 a.m.

Makalipas ang ilang oras, ang biktima ay nakita ng kanyang mga co-workers na nakabulagta at duguan. Tadtad ng saksak ang kanyang leeg at tiyan.

Mabilis siyang naisugod sa Philippine General Hospital ngunit patay na siya nang idating doon. Ayon kay Det. Jonathan Bautista, may hawak ng kaso, maaaring ka-trabaho rin ni Porquez ang pumatay sa kanya.

“The suspect may be one or two of his co-workers, who may be irritated at the victim for spreading rumors. But I’m sure the suspect is just inside the warehouse because CCTV footage showed that no one went out, except when they brought the victim to the hospital,” pahayag ni Bautista.

Na-recover ng police ang isang kitchen knife na pinaniniwalaang ginamit sa pagpatay kay Porquez.
(Jaimie Rose R. Aberia)

comments