Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Paliwanag ni Dingdong, inaabangan

Paliwanag ni Dingdong, inaabangan

18jeric-inah-jake-copy-copy

Natawa na lang si Ruru Madrid nang sabihan namin na father role na siya sa “Encantadia.” Siya ang ama ni Lira/Mila (Mikee Quintos) na si Kylie Padilla ang ina. Nineteen years old lang si Ruru at 15 naman si Mikee. “Oo nga, eh!”

sambit ni Ruru. “Ang laki pa ng boses niya (laughs). Joke! Pero bilib ako kay Mikee, kahit baguhan pa lang siya, nakakaarte naman siya. Madali siyang makakuha ng instructions ni direk Mark (Reyes).”

Ayon naman kay Mikee, may pressure na gampanan niya ang role noon ni Jennylyn Mercado sa original version ng “Encantandia.” Ayaw niyang ikumpara ang acting nila ni Jen dahil ani Mikee, magkaiba sila ng pag-atake sa role. “I tried researching. Pinanood ko ang “Encantadia” noon at inaral ko kung paano ginampanan ni ate Jennylyn ang kanyang role,” wika ni Mikee.

Controversial
TV series

Sa Linggo ang grand presscon ng “Alyas Robin Hood” at tiyak tatanungin kay Dingdong Dantes ang controversial issue sa bago niyang primetime series sa GMA7.

Interesado ang press malaman ang pahayag ng Kapuso Primetime King hinggil sa paratang ng ibang tao na diumano’y ginaya lang nila ang “Alyas Robin Hood” sa US TV series na “Arrow.”

Bagaman, nagpaliwanag na si Ms. Redgie Magno (GMA VP for Drama) hinggil dito, gusto pa ring marinig ng press ang reaction naman ni Dingdong. Pati na ang ginawa niyang preparations for his role. Sina Megan Young at Andrea Torres ang leading ladies ni Dingdong, mula sa direksiyon ni Dominic Zapata.

Sa September 19 ang pilot telecast ng ARH.

May pressure

Sa September 19 din ang pilot episode ng afternoon prime series na “Oh! My Mama,” first teleserye ni Inah de Belen na certified Kapuso na ngayon. Aniya, may pressure siyang nararamdaman na lalo pang nadagdagan nang pabirong sabihan siya ng kanyang mommy (Janice de Belen) na, “Ma-pressure ka.”

Parehong magaling na artista ang parents ni Inah na sina Janice at John Estrada, kaya napi-pressure siya, ayon kay Inah. Hindi kasi maiiwasang ikumpara siya sa mga ito. Natutuwa naman si Inah kapag sinasabing may hawig siya sa kanyang daddy at mommy. Namana pa ni Inah ang height ni Janice na hindi katangkaran.

Aniya, excited ang kanyang daddy at mommy sa kanyang first project sa Kapuso Network. Suportado siya ng mga ito na ang payo ni Janice, always be humble and be yourself. Sina Jake Vargas at Jeric Gonzales ang leading men ni Inah sa “Oh! My Mama.”

Nagli-live-in na?

How true kaya ang tsikang diumano’y nagli-live-in na sina Billy Crawford at Coleen Garcia? Kasama rin diumano ang parents at kapatid ni Coleen sa bahay ni Billy.

Ayon sa isang informant, diumano’y wala nang privacy sina Billy at Coleen dahil kasama nila sa bahay ang pamilya ni Coleen. Diumano, hindi na raw makapag-usap ng sarilinan sina Billy at Coleen, kaya diumano pa rin, napapadalas ang kanilang petty quarrels. How true kaya ito?

Negative

Required ng Viva Artist Agency sa kanilang talents na magpa-drug test. Nauna na sina Anne Curtis, James Reid at Claudine Barretto. Negative ang resulta sa ginawang drug test sa kanilang tatlo.

Nadawit ang pangalan nina Anne at James sa isang lumabas na balita na diumano’y sangkot sila sa illegal drugs. May mga naghihinala ring diumano’y drug user si Claudine, kaya para patunayang hindi siya gumagamit ng bawal na gamot ay nagpa-drug test din siya.

Nauna nang boluntaryong nagpa-drug test ang 40 plus talents ng Star Magic ng Kapamilya Network (ABS-CBN). Kailan kaya magpapa-drug test ang Kapuso (GMA) at Kapatid (TV5) stars?

comments