Home » News » News Roundup » 2 tulak nanlaban sa pulis, patay

2 tulak nanlaban sa pulis, patay

Dalawang hinihinalang tulak ng droga ang napatay matapos umanong manlaban sa mga pulis sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Manila nitong Huwebes.

Kinilala ng Manila Police ang mga napatay na sina Amiel Basilio, 40, at Paul Dumagas, 37. Dead on arrival si Basilio sa UERM Medical Center matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng Sta. Mesa Police Station na naglatag ng patibong laban sa kanya sa tapat ng kanyang bahay sa Yakal St., Sta. Mesa, bandang 3:50 p.m.

Na-recover kay Basilio and tatlong pakete ng shabu, isang .22-caliber Black Widow revolver, drug paraphernalia at ang marked money na ginamit sa buy-bust operation, ayon kay PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District (MPD) homicide section.

Namatay noon din si Dumagas nang makipaglaban sa mga tauhan ng Alvarez Police Community Precinct (PCP) sa Oroquita Street, Sta. Cruz, Manila. Nakuha sa kanya ang isang .38-caliber Smith and Wesson revolver at limang pakete ng shabu. (Analou de Vera)

comments