Home » Entertainment » Janella respects Elmo’s relationship with Janine

Janella respects Elmo’s relationship with Janine

Posible palang ma-develop sa isa’t isa ang mga bida ng ABS-CBN teleseryeng “Born For You” na sina Elmo Magalona at Janella Salvador. Pero ito ay kung pareho lang sana silang single.

“Sa tingin ko naman kahit sino talaga maa-attract sa personality ni Janella. Kasi talagang very attractive si Janella. Her personality is attractive. So, yun,” sabi ni Elmo.

Ayon naman kay Janella, “Elmo is most definitely charming naman, and he’s a very nice guy, I can say that.”

So, may pag-asa si Elmo kung sakaling wala itong girlfriend? “If the circumstances are right, meron naman.”

Kaso may girlfriend nga kasi si Elmo sa katauhan ni Janine Gutierrez. Hindi ba nagseselos si Janine? “No naman.

Parehas naman kaming nasa industry, so gets niya yun. Kasi ganun din naman siya sa work niya, so parehas lang,” sagot ng aktor.

Medyo dumidistansiya ba si Janella kay Elmo dahil sa pagkakaroon nito ng girlfriend? “Siyempre may limitations and boundaries naman talaga. Kumbaga work is work, and we’re just enjoying each other’s company. No problem naman,” paliwanag ng young actress.

Sa ngayon happy sina Elmo at Janella sa maganda nilang samahan bilang magkaibigan. Gaano na ba sila ka-close? “Sobra.

Masasabi ko nung nagsimula yung ‘Born For You’ and sa ngayon, mas naging close kami ngayon,” say ni Elmo.

“At saka deeper na talaga ’yung friendship namin, kumbaga ibang level na,” dagdag ni Janella.

Kahit na nga matatapos na ang “Born For You” sa Setyembre 16, pananatilihin daw nila ang pagkakaibigan nila. “Oo naman, we’d like to keep the friendship that we have,” ani Janella.

Wish nga nila na magtuloy-tuloy pa rin ang loveteam nilang ElNella pagkatapos ng “Born For You.”

Gusto pa raw nilang magkatrabaho ulit sa iba pang proyekto. Sabi nga ni Elmo, “Kasi nasasayangan ako sa na-build na naming rapport. I just feel comfortable with her. Yeah, I would want to work with her again.”

Sinegundahan din ito ni Janella, “Definitely naman yes, I would love to work with Elmo again.”

May susunod na ba silang proyekto pagkatapos ng Born For You? “Abangan n’yo na lang,” pahiwatig ni Elmo.

Excited na sina Elmo at Janella sa kanilang finale episode na live gaganapin sa KIA Theater sa Setyembre 16. Marami raw silang sorpresa at pasabog. Mapapanood ang Born For You pagkatapos ng Till I Met You sa ABS-CBN Primetime Bida.
(GLEN P. SIBONGA)

comments