Home » News » News Roundup » Lalaking galing sa korte pinaslang

Lalaking galing sa korte pinaslang

Isang 20-anyos na lalaki ang binaril at napatay ng isang lalaking nakamotorsiklo matapos siyang dumalo sa pagdining ng kasong isinampa sa kanya sa Makati City kahapon ng tanghali.

Ayon sa police, naglalakad si Rey Monteroso sa kahabaan ng Angono St. malapit sa kanto ng Osmeña St., Barangay Poblacion, bandang 11:55 a.m. nang barilin siya sa ulo ng salarin, ilang metro lang ang layo mula sa city hall.

Napag-alaman na kadadalo lamang ni Monteroso sa pagdinig ng kanyang kasong illegal possession of firearms sa Makati City Regional Trial Court (RTC) nang maganap ang insidente. (Anna Liza Villas-Alavaren)

comments