Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Aljur, binalaang wala ng career

Aljur, binalaang wala ng career

17aljur-copy-copy

‘Kaaliw ang kuwento ni direk Gil Portes tungkol kay Aljur Abrenica noong nag-guest siya sa “Cristy Ferminute” ni Cristy Fermin. Ani direk Gil, sa isang eksena ni Aljur sa “Ang Hapis at Hinagpis ni Hermano Puli,” binilinan niya ang kanyang AD (asst. director) na sabihin kay Aljur na wala na itong career, galit sa kanya ang GMA.

Kailangang pagbutihin niya ang eksenang ito dahil dito siya makakabawi.

‘Yun ang ginawang motivation ni direk Gil kay Aljur na aniya, nakaarte talaga ito at mahusay nitong naitawid ang eksenang ‘yun.

Suportado ng mga estudyante ng millenials ang “Hermano Puli.” Ipinapalabas ang clips ng naturang pelikula sa iba’t ibang eskuwelahan nationwide. Maganda ang pagtanggap ng mga estudyante at guro.

Ang trailer na ipinost sa Facebook page ay nakakuha ng 3.5-million plus views at 12,312 plus shares. Ang theme song na “Alamat” na kinanta ng Let Gravity band ay kinagigiliwan nang patugtugin sa radio stations.

Showing on September 21 ang “Hermano Puli” sa mga sinehan nationwide.

Mas komportable ngayon

Reunited sina Alex Gonzaga at Joseph Marco sa “My Rebound Girl” ng Regal Entertainment. Una silang nagkatrabaho sa TV adaptation ng Koreanovela, “Pure Love.”

Ani Alex sa presscon ng MRG, mas komportable na sila ngayon ni Joseph sa isa’t isa.

Nanligaw ba sa kanya si Joseph noong nagkasama sila sa “Pure Love”? “Ewan ko. Parang after (laughs). Parang tingin ko nagparamdam. Ayokong mag-assume. Pero binigyan niya ako ng bracelet noong Valentine’s Day. Terno kami,” pahayag ni Alex.

Ayon naman kay Joseph, nag-try siya before. Pero feeling niya, that time ay pareho pa silang hindi handa for a relationship. “Ayoko kasing pilitin. Gusto ko, maging natural lang,” saad ni Joseph.

Alex is 27 years old na aniya, nag-iisip na rin siya na gusto na niyang magkaroon ng lalaking makakasama for life.

Aniya, sa kulturang Pinoy, naghihintay lang ang babae na ligawan ng lalake. “Kahit gusto mo ‘yung guy, nakakahiya namang babae pa ang manligaw,” words to that effect na sabi ni Alex.

In any case, biggest break nina Alex at Joseph ang “My Rebound Girl” dahil sila talaga ang mga bida. Tampok din sina Carl Guevarra, Martin Escudero, Nathalie Hart, Mitoy Yonting, atb pa. Mula sa direksyon ni Emmanuel dela Cruz, showing ang MRG on September 28.

Indian films

Mapapanood na ang Indian films or Bollywood sa pamamagitan ng Zee Sine sa Cignal TV Channel 19. More than 3,500 Bollywood movies ang hatid ng Zee Entertainment Enterprises Ltd., one of Asia’s leading media and entertainment companies.

Filipino adaptations ng Indian movies na tampok ang mga sikat na Bollywood stars tulad nina Kunal Kapoor at Amyra Dastura ng mapapanood sa “Zee Sine Bollywood Na Tayo!.”

Happy lang

Si PNP Chief, Director General Ronaldo “Bato” dela Rosa ang peg ni Paolo Contis sa role niya bilang pulis sa “Alyas Robin Hood.” Nagpakalbo pa si Paolo para sa bagong GMA primetime series na pinagbibidahan ng good friend niyang si Dingdong Dantes. Mabait na pulis ang role ni Paolo bilang Daniel Acosta.

About his lovelife, open na si Paolo pag-usapan ito. Aniya, masaya sila ni LJ Reyes. Hindi na raw nila kailangang umamin sa totoong estado ng kanilang relasyon. Ang mahalaga’y may privacy pa rin sila at nag-wo-work ‘yun sa kanilang relasyon.

Walang problema si Paolo sa anak ni LJ kay Paulo Avelino at tanggap siya ng bagets. May dalawang anak na babae naman si Paolo sa ex-wife niyang si Lian Paz.

Sa September 19 ang simula ng ARH sa GMA Telebabad.

comments