Home » News » News Roundup » Mensahero binaril habang tulog

Mensahero binaril habang tulog

Patay ang isang mensahero na umano’y gumagamit ng droga nang barilin siya ng isang hindi kilalang lalaki habang siya’y natutulog sa ibabaw ng lamesa sa Sampaloc, Manila, noong Linggo ng hapon.

Ayon sa imbestigador, nahihimbing si Ismael Caimoy, 41, sa ibabaw ng lamesa na nasa garahe ng kanyang kapitbahay sa Leyte del Sur Street sa Sampaloc bandang 3:13 p.m. nang lapitan at barilin siya sa mukha ng isang armadong lalaki.

Bago tuluyang tumakas, pinaputukan pang muli ng salarin sa sentido ang biktima. Nakita ng mga testigo na tumakbo papuntang Mindanao Street and armadong lalaki na nakasuot ng green jacket, denim pants at gora na bahagyang nakatakip sa mukha.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang isang tingga at basyo ng bala ng .45-caliber pistol. Napag-alaman sa ilang tao sa lugar na gumagamit umano ng droga ang biktima, ngunit hindi ito kinumpirma ng kanyang pamilya.
(Betheena Kae Unite)

comments