Home » News » News Roundup » 1 patay, 2 sugatan sa Pasig fire

1 patay, 2 sugatan sa Pasig fire

Nasawi ang isang 55-taong gulang na lalaki habang dalawa ang nasugatan sa isang sunog na sumiklab sa isang tatlong palapag na bahay sa Pasig City kahapon ng madaling araw.

Umabot sa P4.5 milyong halaga ng ari-arian ang nasira ng apoy, ayon sa report. Base sa imbestigasyon, na-trap si Anselmo Tamayo sa loob ng nasusunog na gusali sa Joshua Street sa Sta. Lucia, Pasig City, bandang 4:20 a.m. Kalaunan, nakita ang kanyang sunog na katawan sa isang sulok ng nasunog na bahay.

Kinilala naman ang mga sugatan na sina Cynthia Tamayo, 51, at kanyang anak na si Janine Paula Tamayo, 18. Ang nasunog na bahay ay inaakupahan ng isang pamilya na may 10 miyembro, ayon kay Chief Inspector Nazrudyn Cablayan ng Pasig Fire Station Tactical Operations Center.

Umabot sa third alarm ang sunog bago ito naapula bandang 5:40 a.m. kahapon. Inaalam pa ng mga imbestigador kung ano ang sanhi ng sunog. (Jenny Manongdo)

comments