Home » News » News Roundup » ‘Salvage’ victim natagpuan

‘Salvage’ victim natagpuan

Isang pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuang nakalugmok sa daan sa Parañaque City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Supt. Jenny Tecson, Southern Police District spokesperson, and biktima na si Allan Laxa Francisco, 48, residente ng De Asis Street, San Martin de Porres, Parañaque City.

Sinabi ni Tecson na nagtamo ng tatlong tama ng bala ang katawan ng biktima na nakita ng bystanders dakong 1 a.m. ilang metro lamang ang layo mula sa kanyang bahay.

Base sa imbestigasyon ng Parañaque police, walang simumang residente sa lugar ang nakarining ng anumang putok bago nakita ang biktima.

Ayon kay Tecson, nakuha ng mga pulis sa bulsa ng damit ng biktima ang isang papel na may nakasulat na “pusher, magnanakaw huwag tularan.”

Sinabi ni Tecson na inaalam pa ng Parañaque police kung kasama sa drug watchlist ang pangalan ng biktima.
(Jean Fernando)

comments