Home » News » News Roundup » 5 huli sa shabu session

5 huli sa shabu session

Limang gumagamit ng droga ang dinakip ng mga pulis habang bumabatak ng shabu sa isang drug den sa Las Piñas City noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Senior Supt. Jemar Modequillo, Las Piñas police chief, ang mga naaresto na sina Arturo Tolentino, 49; Braulio Egaya, 42; Aries dela Vega, 24; Jose Mark Tejeresas, 23; at Edu Jaime Jr., 32.

Ayon kay Modequillo, nadakip ang limang suspek ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs and Intelligence Unit nang magsagawa sila ng “Oplan Tokhang” sa Medina Compound, Talon 4, Las Piñas City, kilalang kanlungan ng mga drug personalities sa siyudad.

Nadatnan ng mga pulis ang mga suspek sa aktong sumisinghot ng shabu sa isang abandonadong lote bandang 5:30 p.m. noong Biyernes. Nakakulong ngayon ang lima sa Las Piñas police headquarters. (Jean Fernando)

comments