Home » Entertainment » Kristoffer and Joyce, together again

Kristoffer and Joyce, together again

27kristoffer-martin-and-joyce-ching-instagram-copy

Together again ang dating magkarelasyon na sina Kristoffer Martin and Joyce Ching para sa bagong sisimulan na teleserye ng GMA-7 na may titulong “Anything For You.”

Kahit na matagal na silang naghiwalay bilang boyfriend and girlfriend, maayos pa rin na nakakapagtrabaho ng magkasama ang dalawa.

Huli silang nagtambal sa teleserye na “Healing Hearts at Because of You.”

Para sa dating magkarelasyon, walang nakikitang bitterness or awkwardness sa dalawa tuwing meron silang mga intimate na mga eksena.

“Siguro, ‘yung sinasabi po kasing fall out of love, iba na talaga ‘yung trato n’yo sa isa’t isa.

“Mararamdaman mo ‘yun, eh.

“From the beginning na naging kami, naging friends din naman kasi kami. It’s been six years na, ganun pa rin. ‘Yung care naming sa isa’t isa ganun pa din.

“Tsaka hindi ako puwedeng tumangging makasama si Joyce. Basta sinabi sa akin na si Joyce ang partner ko, walang problema,” masayang pahayag pa ni Kristoffer.

Agree naman si Joyce sa mga sinabi ng kanyang ex-boyfriend. Nagiging professional lang daw silang dalawa at nagtapos naman daw ang relasyon nila bilang magkaibigan.

“Even ‘yung mga matagal na na-ming nakatrabaho, ‘pag nakakasama ko ulit, parang ganun ‘yung comment nila – na parang wala naming nagbago talaga.

“Si Kristoffer kasi, we really started out as good friends noong magkasama pa kami sa ‘Reel Love Presents Tween Hearts.’ Doon talaga nag-start ang friendship namin.

“Noong una, nayayabangan pa ako sa kanya. Siya pala nasusupladahan sa akin. Until sa nakilala namin ang isa’t isa, doon na nag-bloom ang friendship namin.

“Kahit na hindi na kami, importante sa amin ‘yung friendship.”

Makakasama pa nila Kristoffer at Joyce sa kanilang upcoming drama ay sina Thea Tolentino, Bruno Gabriel, Renz Valerio, Mona Louise Rey, Eula Valdez, Snooky Serna, Marina Benipayo, Marc Abaya, Jett Pangan, Chinggoy Alonzo at marami pang iba. (Ruel J. Mendoza)

comments