Home » News » News Roundup » Bangkay natagpuan sa ilalim na tulay

Bangkay natagpuan sa ilalim na tulay

Isa na namang pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuan sa ilalim ng C-3 Bridge sa Barangay North Bay Boulevard South bandang 1:30 ng umaga.

Base sa report na ibinigay kay Senior Supt. Dante Novicio, Navotas Police chief, ang natagpuang bangkay ng lalaki ay nasa edad 30 hanggang 35, may taas na 5’5’’ hanggang 5’7”, katamtaman ang pangangatawan, maputi at may mga tattoo na “2KPA JOEL and YOKIE” sa dibdib.

Ayon sa mga imbestigador, parang baboy na nakatali ng packaging tape ang mga paa’t kamay at tadtad ng tama ng bala sa katawan ang biktima nang matagpuan.

Nakasuot siya ng asul na t-shirt at kulay itim na boxer shorts. Naniniwala ang mga pulis na pinatay ang biktima sa ibang lugar bago itinapon ang kanyang bangkay sa ilalim ng C-3 Bridge.

Ayon sa police, maliwanag na biktima ng summary execution ang lalaki base na rin sa mga sugat na nakita sa kanyang katawan. (Jel Santos)

comments