Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Lasing na pulis inaresto ng tanod

Lasing na pulis inaresto ng tanod

CAMP OLIVAS, Pampanga – Inaresto ng mga tanod ang isang lasing na pulis matapos manutok ng baril sa dalawang tao kamakailan sa Purok 2, Barangay Bakod Bayan, Cabanatuan City.

Kinilala ang pulis na si PO1 Wilfredo Dumlao Jr. at ang mga nagreklamo na sina Leonard Bautista at Alexandra Bihag na kapwa taga Purok 1, Barangay Bakod Bayan, Cabanatuan.

Pinagmulan ang alitan matapos sitahin ng dalawang nagreklamo si Dumlao sa nakakabulag na ilaw ng kanyang motorsiklo.

Sa galit, sinundan ng pulis ang dalawa hanggang sa kanilang bahay at tinutukan sila ng baril.

Dahil sa kaguluhan, dumating ang mga tanod na pinamumunuan ni Mario Yuzon dela Cruz.

Bagama’t nagpakilala siyang pulis, dinala pa rin ng mga tanod si Dumlao sa presinto. (Mar Supnad)

comments