Home » Entertainment » Sh-Boom’s nephew joins showbiz

Sh-Boom’s nephew joins showbiz

NASA showbiz na rin ang pamangkin ng ’80s sex siren na si Rachel Lobangco.

Pinakikilala ang baguhang si Bruno Gabriel sa malapit nang mapanood na afternoon teleserye ng GMA-7 na “Anything for You.”

Si Bruno ay anak ng kapatid ni Rachel na si Lani Lobangco na dati ring nag-showbiz noong ’80s.

Bago maisipan na mag-showbiz ni Bruno, aktibo ito bilang isang athlete sa pinapasukan nitong school. Lumalaban din ito sa mga sports competition abroad.

Ayon pa kay Bruno: “I used to do sports. I used to play football – soccer and tennis.

“Sa tennis, nag-compete ako sa US, in Southern California. ‘Yung mga kalaban ko diyan from San Diego, Los Angeles saka Riverside. Irvine din.

“Active din ako sa UFL (United Football League). I used to play for Stallion, tapos Azkals for a few weeks – training pool lang naman, then later on, Manila Jeepney. ‘Yun ‘yung huli kong team.”

Sinubukan din ni Bruno ang modeling at pag-arte sa teatro.

“Before ako makasama sa Network, for an entire year, nagmo-model ako para lang maging familiar sa sistema. Ramp, commercial, print. I know showbiz is a bit different, it’s pero sort of in the same line.

“Kasabay ko na rin ‘yung theater. Nag-theater ako sa PETA. Hindi naman ako member, pero nagwo-workshop, nagsho-showcase.

“Malaking tulong ‘yung mundo na ‘yun sa ’kin dito sa showbiz.”

Makakasama ni Bruno sa “Anything for You” ay sina Kristoffer Martin, Joyce Ching, Thea Tolentino, Eula Valdez, Snooky Serna, Marc Abaya, Jett Pangan, Marina Benipayo, Renz Valerio, Mona Louise Rey, Chinggoy Alonzo at marami pang iba.

Proud na proud nga raw si Rachel sa pagpasok ng kanyang pamangkin sa showbiz.

Wish ni Rachel na magtagum-pay din ito tulad niya noong una niyang pagsabak sa showbiz noong 1987.

Unang nakilala si Rachel sa “Sh-Boom” TV commercial ng San Miguel Beer. Naging contract star siya ng Seiko Films at nagbida siya sa pelikulang “Kokak” noong 1989. (Ruel J. Mendoza)

comments