Home » Entertainment » Yassi Pressman raves about Coco’s kindness

Yassi Pressman raves about Coco’s kindness

Yassi Pressman

Yassi Pressman

PURING-puri ni Yassi Pressman ang bida ng ABS-CBN primetime teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” na si Coco Martin. Ang aktres ang latest leading lady ni Coco sa itinatakbo ng istorya ng serye.

“Sobrang bait. Tapos siya iyong tipo ng aktor na hindi niya itinatago sa sarili niya kung ano ’yung nalalaman niya. Gusto niya laging isine-share sa lahat kung ano ’yung nalalaman niya. Ginagawa niya talaga na ma-guide niya kaming lahat,” paglalarawan ni Yassi kay Coco.

Ginagampanan ni Yassi ang role ng news reporter na si Alyana na humahanga kay SPO2 Ricardo “Cardo” Dalisay (Cardo). Magle-level up ba ang relasyon ng mga karakter nila sa show? “Siguro po. Kasi naman si Cardo talaga isa siyang tao na parang walang kasamaan, iyong talagang gagawin ang lahat para sa tungkulin, gagawin ang lahat para sa kabutihan. So, siyempre si Alyana naman bilang reporter, na tumutulong na rin sa mga tao, si Cardo ang idol. Talagang hangang-hanga siya kay Cardo.”

E sa totoong buhay ba ready nang ma-link si Yassi kay Coco? “Hindi ko po alam,” sabay tawa niya. “Basta ang alam ko po si Coco napakabait, napaka-passionate, napaka-hard working.”

Para sa kanya ba boyfriend material si Coco? “Masasabi ko, oo. I’m pretty sure na masasabi naman iyon ng lahat ng tao dahil maasikaso po talaga si Coco.”

Thankful lang si Yassi na nakasama siya sa cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” na nagdiriwang ng unang taon nito sa ere. “Sobrang saya po, sobrang blessed. Ibang klase po itong show na ito. Ang dami pong ibang mga artista pero sa akin po naibigay ’yung pagkakataong maging parte po nito kaya sobrang thankful talaga.”

Masaya rin si Yassi na magiging bahagi siya ng “FPJ’s Ang Probinsyano Isang Kapamilya Tayo The Anniversary Concert” na magaganap sa October 8, 7:30 p.m., sa Araneta Coliseum. (Glen P. Sibonga)

comments