Home » News » News Roundup » Drug suspect dedo sa shootout

Drug suspect dedo sa shootout

Isang drug suspect ang napatay habang nakatakas naman ang kanyang kasama sa isinagawang buy-bust operation ng anti-narcotics agents ng Pasay City kahapon ng umaga.

Ayon kay Chief Inspector Wilfredo Sangel ng Pasay Police’s Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group, nakilala ang napatay na suspect sa alyas na “Norpip” habang ang nakatakas ay nakilala lamang bilang alyas “Choco”.

Sinabi ni Sangel na isinagawa ng mga tauhan ng Southern Police District-AID-SOTG ang buy-bust operation bandang 4:05 a.m. sa tapat ng isang courier company sa FB Harrison Street.

Si PO1 Jay Dela Rosa ang umaktong poseur-buyer na nakabili ng P500 halaga ng shabu mula sa suspects, ayon sa police report. (Martin A. Sadongdong)

comments