Home » News » News Roundup » Tulak dedo, 3 timbog sa drug bust

Tulak dedo, 3 timbog sa drug bust

Patay ang isang hinihinalang drug pusher habang nadakip naman ang tatlong babae sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City, nitong Martes ng hapon.

Ayon sa report, napatay ang suspek na si Ceferino Sabunod Jr. alias “Jun,” nang makipagbarilan sa mga operatiba ng Batasan Police Station (PS-6) sa entrapment operation dakong 1:05 p.m. sa loob ng kanyang bahay sa Lanzones St., Barangay Payatas.

Nahuli naman ang magkakapatid na Joy Agrisola alias “Dayday” at Josephine Agrisola alias “Nene”; at Katherine Mendoza.

Sinabi ng police na kilalang drug pushers ang mga suspek sa kanilang lugar at kasama sa drug watchlist ng PS-6. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments