Home » News » News Roundup » BI satellite office binuksan sa BGC

BI satellite office binuksan sa BGC

Binuksan kahapon ng Bureau of Immigration (BI) ang bago nitong satellite office sa SM Aura Tower mall sa Taguig City para ilapit ang mga serbisyo nito sa mga dayuhang naka-base sa Bonifacio Global City (BGC) business district at mga kalapit na lugar.

Pinanangunahan ni Immigration Commissioner Jaime Morente kasama ang mga BI officials at employees sa “soft opening” ng BI office sa 8th floor ng nasabing mall.

Sinabi ni Morente na ang bagong opisina ay binuksan ilang araw matapos na pumirma ang BI ng memorandum of agreement sa SM Prime Holdings Inc. (SMPHI) na nagbigay sa ahensiya ng espasyo sa mall na walang rental charges. (Jun Ramirez)

comments