Home » Entertainment » Robin thankful that Mark’s alive

Robin thankful that Mark’s alive

8robin-copy

NALULUNGKOT man si Robin Padilla sa pagkaaresto ng mga pulis sa pamangkin niyang si Mark Anthony Fernandez dahil sa umano’y illegal drug possession, nagpapasalamat pa rin siya na nahuli ito nang buhay hindi tulad ng mga nababalitang napapatay sa mga operasyon ng mga pulis.

Sa kanyang official Facebook account ay kaagad nag-post si Robin tungkol sa insidente. “Purihin ang Panginoong Maylikha, mahal kong Pamangkin….. Nakahinga ako ng maluwag at naglulumuhod sa pasasalamat sa nag-iisang Dios na makapangyarihan at ikaw ay buhay Mark. Hindi kami mapapatawad ng tatay mo kung may nangyaring masama sa iyo…”

Pinsan ni Robin ang tinutukoy niyang tatay ni Mark, ang yumaong action star na si Rudy Fernandez.

Nagpasalamat din si Robin kay Philippine National Police Chief Ronald “Bato” de la Rosa at sa mga pulis na humuli kay Mark. “Sir Bato at sa Angeles City PNP tanggapin po ninyo ang malalim na pasasalamat at pagsaludo ng Padilla Family sa propesyonal at makataong paghuli kay Mark Anthony Fernandez… Alhamdulillah”

Pinuri naman ni Robin ang anak ni Mark na si Grae Fernandez matapos mag-post sa Twitter ang batang aktor ng maiksing mensahe para sa kanyang ama. Ayon kay Grae: “No matter what people say about you, I will always be proud to be your son because you’re the best dad! #markanthonyfernandez”

Reaksyon ni Robin sa post ni Grae: “The words of a son to his embattled Father… Isang malalim na pagpupugay sa Batang ito… tunay ang lakas ng isang magulang ay nagmumula sa Anak Allah hu Akbar”. (GLEN P. SIBONGA)

comments