Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Village chair patay sa Cavite

Village chair patay sa Cavite

Patay ang isang barangay chairman pagkatapos tambangan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki sa isang private cemetery sa Barangay Lantic, Carmona, Cavite noong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Dante Sinio Tenedero, 55, chairman ng Barangay Maduya sa Carmona. Nagtamo ang biktima ng tatlong tama ng bala sa katawan na kaagad nitong ikinamatay.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Pedro Atienza Villamin Jr., case investigator, nagjo-jogging ang biktima sa Sanctuario de Carmona Cemetery ng siya ay barilin ng suspect na may tangkad na 5’4”, dark complexion, at nakasuot ng green jersey at black bull cap. (Anthony Giron)

comments