Home » News » Headlines » Duwelo

Duwelo

Kapuwa sugatan ang isang AWOL na pulis at barangay tanod nang magbarilan sa Lanao Street sa loog ng Salaam Mosque Compound, Barangay Culiat, Quezon City, bandang 7:10 a.m. kahapon.

Kinilala ng police ang nag-duwelo na sina PO1 Abul Angkaya, 35, at Alex Talayan, 40, volunteer barangay security officer sa naturang compound.

Base sa police report, miyembro ang dalawa ng magkaribal na grupo na naglalabanan sa pamumuno at impluwensiya sa Muslim community.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang tunay na dahilan ng away ng dalawa na kapwa dinala sa East Avenue Medical Center dahil sa mga tama ng bala sa katawan. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments