Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » STL sa Laguna ninakawan

STL sa Laguna ninakawan

STA.ROSA, Laguna – Isang empleyado ng Small Town Lottery (STL) company ang nasugatan habang mahigit R.5 million ang nakulimbat ng apat na suspek Linggo ng hapon.

Ayon sa report ng pulisya, dalawang tama ng bala sa tiyan ang natamo ni Archris Santillan, 22 anyos at stay-in employee ng Ramloid Corporation na siyang nag-ooperate ng STL sa siyudad.

Dakong 2:25 ng hapon nang biglang pumasok ang apat na suspek sa tanggapan ng Ramloid kung saan agad na nagpaputok ang isa sa mga ito.

Agad na natangay ng mga suspek ang nasabing salapi na nagkakahalaga ng P536,000 at dali-daling tumakas naman patungo sa direksyon ng Balibago sakay ng dalawang motorsiklo.

Itinakbo ang biktima sa Sinai Medical hospital kung saan ito nagpapagamot hanggang sa kasalukuyan.

Samantala dalawang empty cartridge ng .45 caliber pistol ang natagpuan sa pinangyarihan ng krimen. (Danny J. Estacio)

comments