Home » Entertainment » Sharon admits almost ending marriage with Kiko

Sharon admits almost ending marriage with Kiko

kiko-sharon-001-copy-copy

Inamin ni Sharon Cuneta na ilang beses nang muntik matapos ang pagsasama nila ng asawa niyang si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan.

“Alam n’yo muntikan na kami e, ilang beses muntik kaming maghiwalay,” pagbubunyag ni Sharon nang mag-guest sila ni Sen. Kiko sa ABS-CBN morning talk show na “Magandang Buhay.”

Bigla itong nasabi ni Sharon habang nagbibigay ng mensahe si Sen. Kiko para sa kanya, kung saan hindi napigilang maging emosyonal ng Megastar. Pero hanggang ngayon nga ay nananatili silang magkasama at naging mas matatag ang kanilang relasyon dahil sa mga pinagdaanang pagsubok.

Pero bago ito, una munang nagbigay ng mensahe si Sharon kay Sen. Kiko. “Sweetheart, I always joke you. Sometimes di ba I tell you, ‘Sweetheart, I talked na naman before I thought about it.’ Sometimes maybe you don’t feel that you are that precious to me. Sometimes, I know that you know my mind is elsewhere. Sometimes I feel that you know what goes on in my heart, and you don’t say anything. But I want you to know you are God’s gift to me, and I am so blessed to have found you. I am so blessed to have ended up with you. Because you’re the only one that promise to love me, and really stood by it.”

“Ako naman. Mahirap yatang pantayan ’yun, sundan ’yun. Thank you for all your sacrifices. Twenty years na tayo, at hanggang ngayon patay na patay ka pa rin sa akin,” biro ni Sen. Kiko.

Pabirongsingittuloyni Sharon, “Ang kapal ng mukha. Hindi ko naman sinabi iyon.”

Pagpapatuloy ng senador, “Sabi ko noong ikinasal tayo that I will love you until the last breath. That means always.

Marami tayong dinaanang ups and downs, parang rollercoaster ride minsan. Ganun talaga ang buhay may-asawa, may mga pagsubok talaga. Pero ako’y naniniwala mula noong tayo’y nag-isang dibdib, ika nga, kumbaga ipinagdasal natin ang isa’t isa e. Ipinasa-Diyos ko ’yung ating relasyon, at dahil doon sabi ko, you are God’s gift to me. So, if you receive a gift from the Lord, iyon ba ay babalewalain mo? Iyan ba ay pababayaan mo, iyan ba ay itatapon mo? Hindi ba dapat… precious iyan e, mahalaga iyan, aalagaan mo iyan at lagi mong bibigyang halaga. So, you are God’s gift, precious gift to me from day one. I have and I will always take care of you, value you, and love you.”

Suportado nga ni Sen. Kiko lahat ng mga proyekto ni Sharon, gaya na lang ng nalalapit nitong concert sa October 15 at 22 sa The Theatre sa Solaire Resort and Casino. Special guest pa sa concert ang kanilang anak na si Frankie Pangilinan. (GLEN P. SIBONGA)

comments