Home » Entertainment » Report: Pitt reunites with kids after split with Angelina

Report: Pitt reunites with kids after split with Angelina

NAGTAGPONG muli ang American actor Brad Pitt at ilan sa anim na anak nila ng American actress-filmmaker Angelina Jolie kamakailan lang matapos ang mahigit-kumulang na tatlong linggong paghihiwalay ng mag-aama sanhi ng pag-file ng divorce ng huli noong Setyembre laban sa una.

Ito’y ayon sa ulat ng iba’t ibang foreign news sources tulad ng “Daily Mail,” “Entertainment Tonight,” “People” magazine at “Huffington Post.”

Ang father-and-children reunion ay nangyari noon Oct. 8 sa ilalim ng pamamahala ng isang therapist alinsunod sa estranged couple’s temporary divorce agreement na nirekomenda ng Los Angeles County Department of Children and Family Services (DCFS). Binisita ni Pitt ang mga bata sa dati nilang family home sa Feliz, Los Angeles. Nasa bahay nang mga sandaling ’yon si Jolie nguni’t hindi niya kinausap si Pitt, ayon sa mga ulat.

Iniimbestigahan pa ng DCFS si Pitt for alleged altercation with his oldest son, 15-year-old Maddox, that occurred on a private plane last month.

Nagkasundo ang estranged couple noong isang buwan na si Jolie ang may full physical custody ng mga anak nila: Maddox; Pax, 12; Zahara, 11, Shiloh, 10; and twins Vivienne and Knox, 8. Samantalang si Pitt ay binigyan ng temporary visitation rights.

comments