Home » Entertainment » Avery Paraiso, ‘Encantadia’s’ newest hunk

Avery Paraiso, ‘Encantadia’s’ newest hunk

16avery-paraiso-instagram-copy-copy

PINAKILALA na ang isa sa bagong cast members ng GMA primetime telefantasya na “Encantadia” na si Avery Paraiso.

Si Avery ang gumanap bilang si Kahlil, ang anak ni Sanggre Alena (Gabbi Garcia) mula kay Prinsipe Ybarro (Ruru Madrid).

Ang dating Kapuso actor na ngayon ay Kapamilya star na si Jake Cuenca ang original na gumanap bilang si Kahlil noong 2005.

Pagkatapos umere ang episode kung saan lumitaw na si Avery bilang si Kahlil, nagpahatid ng isang mensahe si Jake sa pamamagitan ng Twitter sa baguhang Kapuso teen actor.

“@AveryParaiso hoping the role of “Kahlil” brings you as much success as it did for me back then. #encantadia #EncantadiaPakikipaglaban”

Sinagot naman agad ni Avery si Jake: “Thank you! It means a lot coming from you.”

Si Avery Phillips Paraiso ay produkto ng reality artista search ng GMA-7 na “StarStruck 6.”

Ipinanganak ang 22-year old Kapuso actor sa Hawaii sa isang Irish mother at Pinoy father. Dinala sa Pilipinas si Avery sa edad na tatlo at dito na siya lumaki at nagkaisip.

Bata pa lang daw si Avery ay mahilig na raw itong magpakita ng kanyang talent sa pag-arte.

At age 16 ay nakagawa na siya ng maraming commercials habang nag-aaral siya sa Montessori Integrated School sa Antipolo City. For college, he took up Mass Communication at La Salle Antipolo.

In 2009, he won the Circle of 10 model search na siyang naging ticket niya sa pagpasok sa showbiz.

In 2013, napapanood regularly si Avery sa isang variety show sa PAGCOR titled “Not Your Ordinary Variety Show” kung saan nakasama niya ang ilang mga bagong talents na mina-manage ng Backroom ni Boy Abunda.

Sa naturang show raw na-hone ang hosting and dancing skills niya.

In 2014, lumabas si Avery sa unang pelikula niyang “Once a Princess” kung saan bida si Erick Gonzales.

Bilang contract artist ng GMA Artist Center, lumabas na si Avery sa mga shows ng GMA-7 na “Because of You,” “Hanggang Makita Kang Muli” at “Dear Uge.” (Ruel J. Mendoza)

comments