Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Killer clown?

Killer clown?

VIGAN CITY, Ilocos Sur – Gawa lamang ng isang prank joker ang killer clown na napaulat sa lungsod na ito kamakailan, ayon kay Supt. Jugith del Prado, city police chief.

Sinabi ni Del Prado na biro lamang ang insidente sa Barangay Ayusan Norte dahil biglang nagpakita ang clown na may hawak na chainsaw at hinabol ang isang estudyante na pauwi mula sa panonood ng volleyball game at ni-record ng kanyang mga kasama ang nangyari.

Humingi ng tulong ang biktima sa mga residente habang tumakas ang mga suspect lulan ang itim na kotse na walang license plate at dinaanan lamang ang biktima na parang walang nangyari.

“If the suspects have intention to hurt the victim, they should have stopped and took her, but instead, they passed the victim, who sought help from her neighbors,” Del Prado said. (Freddie G. Lazaro)

comments