Home » Entertainment » Rufa Mae names baby girl Alexandria

Rufa Mae names baby girl Alexandria

rufa-mae-copy-copy

Ni-reveal na ng sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto ang napili na niyang name para sa kanyang ipinagbubuntis na baby girl.

Alexandria ang name na napili nila ng kanyang fiancé na si Trevor Magallanes.

Last month ay pormal na in-announce ng komedyante na siya ay buntis at nasa second trimester na siya.

Excited na raw maging isang ina si Rufa Mae at type niyang maging isang hands-on mom tulad ng ibang mga mommy friends niya.

Noong nakaraang October 16 ay in-announce ni Rufa Mae via Instagram and name ng baby girl nila ni Trevor.

Kasalukuyang nasa backstage si Rufa Mae ng concert ni Ogie Alcasid na “Ayokong Tumanda” sa Music Museum kasama ang wife ni Ogie na si Regine Velasquez-Alcasid at ang anak nilang si Nate Alcasid noong ma-post niya sa IG ang magiging name ng kanyang baby girl.

Heto ang kanyang naging post: “Masaya si baby Alexandria may playmate sya again si #natealcasid and masaya din Ang mommy Kasi nakita Ko Kaibigan Ko, nakaka miss sila @reginevalcasid @ogiealcasid , relationship goal Sabi ni @trevvvsilog”

Next month na ang wedding ni Rufa Mae sa kanyang non-showbiz boyfriend na nakilala sa Amerika.

Documented ni Rufa Mae ang preparation ng kanyang kasal mula sa pagpili ng venue, color motif at sa magiging giveaways niya sa mga bisita.

Napili na rin ang kanilang wedding entourage kasama na ang magiging ninong at ninang.

Ang designer na si Pepsi Herrera ang gumawa ng kanyang wedding gown.

Nakapili na rin ng tamang wedding ring ang soon-to-be-bride.

Kelan lang ay nakita sina Rufa Mae at Trevor na nagha-house hunting sa Ayala Alabang Village sa Alabang, Muntinlupa City.

Gusto raw kasi ni Rufa Mae na tumira sa tahimik na lugar at ’yung hindi basta-basta nakakapasok ang mga tao.
(RUEL J. MENDOZA)

comments