Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Break or career move?

Break or career move?

22diana-instagram-copy

SAYANG naman kung totoong break na sina Janine Gutierrez at Elmo Magalona, ayon sa ulat ng Pep. Diumano’y personal ang dahilan at walang third party.

Two years together sina Janine at Elmo. Natatandaan pa naming sa isang interbyu kay Janine na sinabi niyang sakaling may mang-intriga sa relasyon nila ni Elmo, wala silang paniniwalaan kundi ang mga sasabihin nila sa isa’t isa.

Noong lumipat si Elmo sa ABS-CBN, ilang beses napabalitang nagkakalabuan sila ni Janine. Pero kapuwa naman nila itinatanggi. This time kaya, totoong break na sila? O, career move lang?

Reunited

Reunited sina Sunshine Dizon at Diana Zubiri sa “Encantadia.” Lumabas na ang karakter ni Diana bilang Lila Sari, ang diwatang si Sinukuan na kakampi ni Adhara (Sunshine). Si Diana ang gumanap bilang Danaya sa original version ng “Encantadia” 11 years ago na ginagampanan ngayon ni Sanya Lopez.

Si Sunshine naman noon si Pirena na ginagampanan ngayon ni Glaiza de Castro. Ani Diana, sobrang excited siya na bahagi siya ngayon ng “Encantadia.” Pinaghandaan niya ang kanyang pagbabalik sa naturang fantaserye ng GMA7.

Nagpapayat siya at nag-train sa arnis at sword.

Bilang Lila Sari, lahat ng matingnan niya’y nagiging bato. Sanib-puwersa sila ni Adhara sa paglaban sa mga sang’gre.

Feeling bagets

Feeling bagets si Ina Raymundo dahil sa mga kasama niya sa “Trops,” tampok ang hottest all-male group discovery ng “Eat Bulaga,” ang BAES.

Forty something na si Ina with five children sa kanyang foreigner husband, pero sexy at youthful-looking pa rin siya.

Ani Ina, nakaka-bagets kapag mga bata ang katrabaho niya.

Fifteen years old na ang panganay ni Ina at aniya’y medyo nahihirapan siyang disiplinahin ito. Mahirap daw ’yung mixed ang nationality at may nakukuha itong hindi magandang ugali.

Ayon kay Ina, very strong ang personality ng daughter niya, mana sa ama nito. Mas matangkad ito sa kanya, malaking bulas at malakas. “Kayang-kaya niya akong bugbugin (laughs),” ani Ina. “Pero mabait naman siya sa ibang tao. Sinasabi sa akin ng neighbors namin, ang bait-bait ng anak ko. Sa akin, iba siya,” aniya sa presscon ng “Trops.”

Sa panganay lang niya siya may problema. Okey ang relasyon niya sa apat na younger children niya.

Anyway, teacher ang role ni Ina sa “Trops.” Ang millennial BAES na kasama niya sa show ay sina Kenneth Medrano, Kim Last, Jon Timmons, Tommy Penaflor, Miggy Tolentino at Joel Palencia. Magsisimula ito on Monday (Oct. 2) before “Eat Bulaga.”

comments