Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Selda ni Kerwin nakahanda na

Selda ni Kerwin nakahanda na

CAMP RUPERTO KANGLEON, Palo, Leyte – Nakahanda na ang selda ni suspected drug lord Rolan ‘Kerwin’ Espinosa sa Leyte.

Ayon kay Leyte Provincial jail warden Homobono ‘Bani’ Bardillion, handa na ang selda ni Espinosa sa Leyte provincial jail o sa Palo town, depende naman sa ipag-uutos ni Regional Trial Court Branch 14 Judge Carlos O. Arguelles.

Sakali man na ilagay si Espinosa sa provincial jail, tiniyak ni Bardillion na hindi nila ito isasama sa kaniyang ama na si Albuera town mayor Rolando Espinosa, Sr. ngunit hihingi sila ng karagdagang police security para sa nakababatang Espinosa.

Nadakip si Espinosa sa Abu Dhabi noong Lunes dahil sa illegal drugs at firearms case ngunit inaasikaso pa ang repatriation nito. (Nestor L. Abrematea)

comments