Home » News » News Roundup » 3 tulak patay sa drug busts

3 tulak patay sa drug busts

Tatlong drug suspects ang napatay nang makipaglaban sa mga pulis sa magkakahiwalay na operasyon kontra droga sa Quezon City nitong Lunes.

Naglatag ng buy-bust operation ang QC police bandang 1:45 p.m. laban sa 50-taong gulang na si Rizaldo Galang alias “Radgie”, kilalang drug pusher na nakakapagbenta umano ng 10 gramo ng shabu araw-araw sa Barangay Gulod.

Ngunit bago pa masimulan ang drug deal sa kanyang tahanan sa Del Nacia Village IV, Barangay Sauyo, Novaliches, pinputukan ni Galang ang police operatives gamit ang kanyang .38-caliber revolver.

Gumanti ang mga operatiba at napatay siya noon din. Ganito rin ang sinapit ni Tiburcio Ignacio alias “Moymoy,” 60, nang makipagbarilan sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation bandang 3:41 p.m. sa Matias Street, Barangay Payatas B.

Napatay din ang isang Jesus Madula sa isang patibong na ikinasa ng police sa San Agustin Street, Novaliches, bandang 10:50 p.m. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments