Home » News » News Roundup » 5 pinatay sa loob ng bahay

5 pinatay sa loob ng bahay

Limang katao ang napatay nang pagbabarilin ng anim na hindi kilalang kalalakihan sa loob na isang bahay na pinaniniwalang drug den sa Mandaluyong City, Lunes ng gabi, ayon sa police report.

Kinilala ng police ang mga biktima na sina Manuel Evangelista, Jennifer Discarga, John Paolo Toboro, Edmar Velarde at Catalno Algueles.

Naganap ang pamamaril bandang 9 p.m. sa loob ng bahay sa Block 37 Lot 1 Barangay Addition Hills, Mandaluyong City, na pag-aaari ni Roger Evangelista, kapatid na isa sa mga napatay na biktima.

Sinabi ng witnesses na naka-jacket at nakamaskara ang tumira sa mga biktima. (Madelynne Dominguez)

comments