Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 4 drug pushers patay

4 drug pushers patay

Patay ang apat na hinihinalang drug pushers sa dalawang magkakahiwalay na police operations sa Rosario, Cavite at Calamba City, Laguna noong All Souls’ Day.

Sa Rosario, kinilala ang mga suspects ni chief of police Chief Insp. Mark Joseph Saguid Laygo na sina Kenneth Hirmida Green, 34, tricycle driver, at Alvin San Diego Buendia, beautician.

Namatay ang mga suspects nang manlaban umano sa mga pulis habang isinasagawa ang buy-bust operation sa Little Baguio, Barangay Wawa III.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang mga suspects na agad nilang ikinamatay. Ayon kay Laygo, nasa listahan ng mga drug pushers sa Barangay Anti-Drug Abuse Council ang mga suspects.

Nakilala naman ang mga namatay na suspects sa Calamba City na sina Alano dela Peña at Maximo M. Magnaye, 53.

Arestado naman ang kanilang mga kasamang sina Jerwin L. Magnaye, Ronnie A. Paciolan, at Albert M. Pugado.
(Anthony Giron and Danny J. Estacio)

comments