Home » News » News Roundup » Drug suspect dedo sa shootout

Drug suspect dedo sa shootout

Patay ang isang drug suspect nang manlaban sa mga pulis sa loob ng kaniyang bahay sa Quezon City nitong Miyekules ng gabi.

Base sa police report, nasawi ang suspect na si Isaac Pabilona alias “Ginger,” 32, nang makipagbarilan sa mga operatiba ng Batasan Police Station (PS-6) sa loob ng kanyang tahanan sa San Vicente St., Barangay Payatas, bandang 10:20 p.m.

Bago naganap ang shootout, nagsagawa ng buy-bust operation ang anti-narcotics operatives ng PS-6 laban kina Levi Picache, isang Enting Gonzales at isang alias “Ace” na umano’y kilabot na drug pushers sa Payatas A.

Hindi natagpuan ng mga pulis sina Picache at alias Ace nang dumating sila sa lugar. Nakatakbo naman palayo si Gonzales habang pinaputukan ni Pabilona ang mga pulis gamit ang isang .45-caliber pistol.

Napilitang gumanti ang mga alagad ng batas at tinamaan ang suspect.

Isinugod si Pabilona sa East Avenue Medical Center ngunit dead-on-arrival siya doon.

Nakuha kay Pabilona ang baril na kanyang ginamit, dalawang pakete ng shabu, at drug paraphernalia.

Tinutugis pa ng mga awtoridad ang tatlong kasamahan ni Pabilona. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments