Home » News » News Roundup » Abogado nagbaril sa sarili

Abogado nagbaril sa sarili

Isang abogado na nahihirapan sa sakit sa bato ang natagpuang patay matapos umanong magbaril sa ulo sa ground floor ng isang condominium sa San Miguel, Manila, noong Sabado ng hapon.

Ayon sa police report, wala nang buhay si Augustus Cesar Binag, 40, nang makita ng security guard ng La Casarita Condominium sa San Rafael Street, kung saan siya nakatira.

Sinabi ng security guard sa mga imbestigador na nagro-roving siya sa parking lot ng condominium nang bigla siyang makarining ng malakas na putok ng baril bandang 5:10 p.m..

Nang puntahan niya ang pinaggalingan ng putok, nakita niya sa hallway ng ground floor si Binag na nakahandusay sa sahig at duguan.

Agad na itinawag ng security officer ang insidente sa Manila Police District (MPD) Station 8. Napag-alaman ng mga imbestigador mula sa asawa ng biktima na si Melody, isa ring lawyer, na may iniindang kidney ailment ang biktima.

Sinabi ni SPO1 Lester Evangelista, imbestigador ng MPD homicide section, na na-recover nila sa crime scene ang isang CZ 6.35-caliber gun. (Analou de Vera)

comments