Home » News » News Roundup » 1 kahon bala kumpiskado sa Fil-Am

1 kahon bala kumpiskado sa Fil-Am

Isang elderly Filipino-American mula sa Los Angeles, California, ang inaresto sa Ninoy Aquino Internationa Airport (NAIA) matapos na makita sa loob ng kanyang handbag ang isang kahon na naglalaman ng 36 rounds ng .25-caliber bullets kahapon ng umaga.

Kinilala ni Senior Supt. Reynaldo Garcia ang naarestong pasahero na si Rufino Alcarion Rondaris, 79. Dinakip siya sa NAIA Terminal 2 kung saan nakatakda sana siyang sumakay ng connecting flight patungong Laoag.

Nadiskumbre ang mga bala sa loob ng kanyang handbag habang sumasailalim sa mandatory X-ray screening bandang 6:10 a.m. Itinanggi ni Rondaris na pag-aari niya ang mga nakumpiskang bala. (Ariel Fernandez)

comments