Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Paulo’s GF confirms ‘special relationship’

Paulo’s GF confirms ‘special relationship’

6paulo-copy-copy

AYAW pag-usapan ni Paulo Avelino ang rumored girlfriend niyang si Nathasa Villaroman noong presscon ng “The Unmarried Wife” dahil non-showbiz ito at nakakahiya raw sa pamilya nito.

Pero naglabasan sa social media ang pictures nila ni Nathasa. Mismong mommy ni Nathasa ang nag-post na nagbakasyon ang dalawa sa Amanpulo, Palawan. Reading between the lines ng message nito, boto ito kay Paulo for her daughter.

Ipinaalam din nito sa bashers na may kasamang bodyguard si Nathasa.

May post din si Nathasa na parang kino-confirm niyang may “special relationship” sila ni Paulo.

Mag-deny pa kaya si Paulo? Aniya noong presscon ng TUW ay dating lang siya. Kesyo, in love siya sa kanyang motor at trabaho.

First time

First time nagkatrabaho sina Dingdong Dantes at Paulo Avelino sa “The Unmarried Wife.” Never silang nagkasama sa mga teleserye noong nasa GMA7 pa si Paulo.

Nagkakilala sila noong nag-host si Dingdong ng “Starstruck 4” kung saan naging Avenger si Paulo. Ayon kay Dingdong, noon pa man ay kinakitaan na niya ng potential si Paulo. “I know back then na magiging significant actor siya. I’m proud of him,” ani Dingdong.

Hindi man nanalong Ultimate Male Survivor si Paulo, isa siya ngayon sa mga hinahangaang mahuhusay na actor ng kanyang generation. Since lumipat siya sa ABS-CBN, hindi siya nawawalan ng project, mapa-TV man o pelikula.

Ayon kay Paulo, marami pa siyang dapat matutunan sa kanyang craft bilang aktor. “Ang motivation ko is to do better, try harder,” he said.

Showing sa Nov. 16 ang “The Unmarried Wife” sa mga sinehan nationwide. Directed by Maryo J. delos Reyes, under Star Cinema.

Nominated

Nominated sa Asia Rainbow TV Awards ang “Naku, Boss Ko!” sa Best Comedy Program category. Political romcom series ito handog ng GMA News and Public Affairs na ipinalabas two weeks bago ang presidential elections last May this year.

Ipinakita rito ang mga tiwaling gawain at mapagkunwaring strategy sa pangangampanya ng ilang pulitiko. Ang NBK ay tinampukan ng “Encantadia” stars na sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia, kasama sina Tessie Tomas at Leo Martinez. Ang Awards Ceremonies ay gaganapin sa Macao on Nov. 26.

By the way, balik-“Encantadia” na ang karakter ni Gabbi bilang Alena. Mula sa pagiging pagong ay nag-transform siya bilang Alena. Si Janine Gutierrez bilang Agua na kambal-diwa niya ang nakahanap sa kanya.

Ano kaya ang magiging papel ni Agua kina sang’gre Alena, Amihan, Danaya at Pirena?

comments