Home » News » News Roundup » Suspected drug user itinumba

Suspected drug user itinumba

Patay ang isang construction worker na hinihinalang drug user nang pagbabarilin ng dalawang nakamotorsiklong lalaki sa Sta. Ana, Manila, hatinggabi kahapon.

Kinilala ng police ang napatay na si Gelbert Begelme, 30, nakatira sa 2330 Pasig Line Street. Ayon sa testigong si Carmen Reyes, natutulog siya sa loob ng kanyang tindahan nang makarining siya ng apat na sunod-sunod na putok ng baril mula sa labas bandang 12:20 a.m.

Nang lumabas siya para usisain ang nangyari, nakita niya ang duguang katawan ni Begelme na nakalugmok sa kaliwang bahagi ng hood ng pampasaherong jeepney (TYA 848).

Base sa report, hindi kasama si Begelme sa barangay drug watchlist, ngunit sumuko rin siya sa mga awtoridad noong nakaraang Agosto.

Nagsasagawa pa ng follow-up investigation ang police para alamin kung ano ang motibo ng pagpatay. (Jaimie Rose R. Aberia)

comments