Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Gabby on KC’s BF: ‘Nice guy’

Gabby on KC’s BF: ‘Nice guy’

12bea-binene-copy-copy

DREAM come true kay Gabby Concepcion ang role na gagampanan niya sa bago niyang GMA series. Nag-taping na siya at aniya, excited siya dahil first time siyang gaganap bilang piloto.

Afternoon series ito na okey lang kay Gabby dahil aniya, hindi siya choosy sa time slot. As long as maganda ang project at ang role na gagampanan niya. Kasama ni Gabby sa GMA afternoon series sina Sunshine Dizon at Ryzza Cenon.

Sa interbyu kay Gabby ni Lhar Santiago sa “24 Oras,” napag-alamang ipinakilala na sa kanya ng anak niyang si KC Concepcion ang boyfriend nitong si Aly Borromeo. Ani Gabby, nababaitan siya sa Azkals football player. Nice guy ito at masaya siya for his daughter.

Likewise, naipakilala na rin ni KC si Aly sa kanyang mama Sharon Cuneta at stepdad na si Senator Kiko Pangilinan, pati sa kanyang half siblings na sina Frankie, Miel at Miguel.

Desidido

Kung si Matteo Guidicelli ang masusunod, gusto niyang sa Cebu sila magpakasal ni Sarah Geronimo. Tagaroon kasi si Matteo and his family. Pero aniya sa “Tonight with Boy Abunda,” na kay Sarah ang desisyon kung gusto nitong sa Cebu sila magpakasal.

Mukhang desidido na talaga si Matteo na si Sarah na ang gusto niyang makasama for the rest of his life. She’s the one na talaga for him. Abang-abang nalang kung kailan at saan magaganap ang kasalang Matteo-Sarah.

Solid

Intimate celebration lang ng 19th birthday ni Bea Binene ang naganap kamakailan lang. Kasama niya ang mga close showbiz friends niyang sina Barbie Forteza, Kristoffer Martin, Derrick Monasterio at Joyce Ching. Minus Jake Vargas, Bea’s ex-boyfriend. Mukhang malabo silang maging friends after they broke up.

Sa video post ni Barbie sa social media, ipinakita ang kanilang kulitan. Walang salitang narinig, pero damang-dama ang closeness ng kanilang barkada. Since their “Tweenhearts” days, hindi nagbabago ang maganda nilang samahan.

Kahit piliting iintriga sina Barbie at Bea kung sino ang mas sikat, sino ang mas magaling umarte, never silang nagpaapekto. Solid pa rin ang kanilang friendship.

Painting exhibit

Close to her heart ang pagpipinta, ayon kay Solenn Heussaff. Aniya, bata pa lamang siya’y nagpipinta na siya. Sa painting exhibit ng Kapuso employees at TV personalities on Nov. 24, 10:30 a.m. sa lobby ng GMA Network, ka-join si Solenn at for sale ang artwork niyang STAND at iba pang art collections. Ang proceeds ay ido-donate sa GMA Kapuso Foundation.

comments