Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » ‘Mulawin’ magbabalik-TV, Dennis kasama sa cast

‘Mulawin’ magbabalik-TV, Dennis kasama sa cast

13sunshine-gabby-ryzza-copy

PAGKATAPOS ng “Encantadia,” isa na namang iconic fantaserye ng GMA7 ang ibabalik sa ere. Ito’y ang “Mulawin” na pinagbidahan ni Richard Gutierrez noong 2004.

Si Angel Locsin ang gumanap bilang Alwina. Kasama rin si Dennis Trillo na gumanap bilang Gabriel, childhood friend ni Alwina.

Kamakailan ay nakipag-meeting si Dennis at iba pang original cast nito sa GMA executives kaugnay ng pagbabalik sa ere ng “Mulawin.” Ayon sa source, early next year ang airing nito kapalit ng “Encantadia” na extended hanggang February 2017.

Abangan nalang ang announcement ng GMA kung sino ang bubuo ng bagong cast sa pagbabalik ng “Mulawin.” Si Dennis pa lang ang kumpirmadong kasama rito.

Collage

Tuwang-tuwa si direk Mark Reyes sa pagkikita ng mga dati at bagong sang’gre sa “Encantadia” na sina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Karylle, Diana Zubiri, Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Glaiza de Castro.

Gumawa si direk Mark ng collage sa social media ng photos ng mga sang’gre. Ang caption niya: “The circle is now complete.”

Ang gandang pagmasdan ng mga dati at bagong sang’gre.

Nakaka-relate

Nakaka-relate si Sunshine Dizon sa role niya sa upcoming GMA Afternoon series na “Ika-6 Na Utos.” Sa naturang serye, niloko siya ng kanyang asawa (played by Gabby Concepcion). Isang piloto ang role ni Gabby at kung tama kami, dati ring piloto ang estranged husband ni Sunshine na si Timothy Tan.

Ani Sunshine, challenging ang kanyang role na parang true-to-life. Iniisip nalang daw niyang trabaho lang at kailangan niyang maging professional, kahit may kirot sa puso niya ang ilang eksena.

Kasama sa “Ika-6 Na Utos” sina Mike Tan, Rich Asuncion at Ryzza Cenon. Directed by Laurice Guillen.

Magandang buhay

Nakakainggit ang magandang buhay ni Jolina Magdangal with her husband Mark Escueta and their son Pele. Sobrang love siya ni Mark. Guests ang mag-ama sa birthday celebration ni Jolens sa “Magandang Buhay.” Fifth wedding anniversary naman nila on Nov. 19.

Masuwerte si Jolens sa kanyang in-laws na botong-boto sa kanya. Nag-VTR message ang mga ito sa kanya, pati ang daddy at mommy ni Jolens. Naiyak si Jolens dahil miss na miss na niya ang mga ito na sa Tagaytay na nakatira.

Last episode

Last episode this Sunday ng “Perfect Fit” ng “Usapang Real Love.”

Nalaman ng lahat ang pagpapanggap ni Ella (Mikee Quintos). Napahamak si Eugene (Andre Paras) dahil sa kanyang pagsisinungaling.

Maging perfect fit pa kaya sila para sa isa’t isa? Tutok lang sa GMA7 at 5 p.m.

comments