Home » Entertainment » Arjo reveals he’s seeing a newbie actress

Arjo reveals he’s seeing a newbie actress

MAGANDA ang ngiti ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde nang matanong namin kung inspirado ba siya ngayon at kung may time na siyang magka-lovelife matapos ang tatlong taon na walang girlfriend.

“I’m seeing someone. I don’t wanna say dating, but it’s hard to explain because it’s more of a getting-to-know stage for now,” sabi ni Arjo.

Inamin ng aktor na taga-showbiz ang tinutukoy niyang bagong inspirasyon. Kaya agad naming tinanong kung mula ba sa ABS-CBN si girl?

“Yeah, but I don’t wanna mention first any name. But yes, she’s from ABS. She’s new and we’re friends, we’re getting to know each other as far as I’m concerned. I don’t want to put the dating status first because (we’re) texting, hanging out once in a while, so ’yun. And I find time, I find time as much as I can. For now kasi busy talaga with the schedule, taping and everything.”

Bakit gusto muna niyang isikreto ang pangalan ni girl?

“Baka maudlot e, baka ma-jinx po e. Obviously kahit papaano I want to keep a bit of privacy between the two of us.”

Hindi pa raw nadadala ni Arjo sa bahay nila si girl. Pero nakilala na ba ni girl ang family niya lalo na ang kanyang mommy na si Sylvia Sanchez?

“Yeah, ’yung mom ko. Noong birthday ko, she was there. I personally invited her, she said yes naman, so I’m happy.”

Masaya nga si Arjo dahil okay sa pamilya niya si girl. “My family is very welcoming naman. To all the people who knew my family, they’re very welcoming naman to anyone. Of course, I introduced to them this girl who’s actually respectful and family-oriented, ’yung traits that you wanna see sa isang babae.”

Samantala, bukod sa bagong inspirasyon, happy rin si Arjo dahil sa maraming blessings sa kanyang career. Itinuturing niyang magandang birthday gift ang mga ito sa kanyang kaarawan last Nov. 5.

“Very blessed kasi obviously from ‘Ang Probinsyano’ to Hammerhead, and then Cathy Valencia came in, then I have Suit It Up Manila. Tapos I have pa Axe Black Concept Store, then OTJ (series). So, all the things are happening at the same time, so I’m very blessed, I’m very thankful, of course, I’m very happy,” pagtatapos ni Arjo. (GLEN P. SIBONGA)

comments