Home » News » Headlines » Councilor tinodas sa Ilocos Sur

Councilor tinodas sa Ilocos Sur

Binaril at namatay ang No. 1 councilor ng Magsingal, Ilocos Sur noong Linggo ng umaga.

Kinilala ni Chief Insp. William Nerona, spokesman ng Ilocos Sur police, ang biktima na si Freddie Arquero, 55, residente ng Barangay San Lucas ng naturang bayan.

Ayon sa police investigation, nagaantay ang biktima ng mga kapwa motorcycle riders sa national highway sa Barangay San Basilio ng dumating ang mga suspect.

Bumunot ng baril ang mga suspect at pinaputukan ang biktima. Tumakas ang mga suspect samantalang dinala ang biktima sa hospital kung saan siya binawian ng buhay. (Freddie G. Lazaro)

comments