Home » News » Headlines » Water supply projects kasado na

Water supply projects kasado na

Inaasahang magkakaroon ng malinis na tubig sa mga susunod na buwan ang apat na municipalities sa Quezon pagkatapos ipamahagi ni Quezon Rep. Helen Tan ang P132 million pondo sa ilalim ng Tourism Water Infrastructure Program.

Nagpasalamat si Tan kina DPWH Secretary Mark A. Villar, DPWH Region 4-A Director Samson L. Hebra, at DPWH Quezon Fourth District Engineering Office na pinamumunuan nina District Engineer Cely S. Flancia at Assistant DE Gener J. Abergas sa kanilang agarang pagpapalabas ng pondo.

comments