Home » News » News Roundup » Lalaki dedo sa motorcycle crash

Lalaki dedo sa motorcycle crash

Patay ang isang 23-anyos na lalaki nang mawalan ng preno ang kaniyang minamanehong motorsiklo at sumalpok sa isang puno ng mangga sa Taguig City kahapon.

Wala nang buhay si Joseph Carbona, ng Lantawan, Basilan, nang isugod sa Taguig-Pateros District Hospital dahil sa tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan.

Ayon kay Taguig City Station Enforcement Unit (SEU)’s Chief Inspector Renato J. Jaime naganap ang aksidente habang binabagtas ni Carbona ang south-bound lane ng C5 Service Road, Heritage Park sa Barangay Pinagsama, Taguig, bandang 2:10 a.m. (Martin A. Sadongdong)

comments