Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Alex di nagpatalo kay Toni

Alex di nagpatalo kay Toni

11alden-copy-copy

MASUWERTE para kay Robin Padilla ang anak nila ni Mariel Rodriguez na si baby Maria Isabella. Binigyan si Robin ng absolute pardon ni President Rodrigo Duterte kaugnay ng kaso niyang illegal possession of firearms.

Hopefully mabibigyan na si Robin ng US visa para mabisita niya ang kanyang mag-ina. Wala si Robin noong nanganak si Mariel na dapat sana’y siya ang magpuputol ng umbilical cord ng baby. Ang daddy ni Mariel ang gumawa nu’n.

Hindi pa alam kung kalian makakabalik ng Pilipinas sina Mariel at baby Isabella. Wish ni Robin na mabigyan na siya ng US visa para masundo niya ang mga ito.

Hindi nagpakabog

Hindi nagpakabog si Alex Gonzaga sa kanyang ate Toni Gonzaga-Soriano. Guwapo rin tulad ng brother-in-law niyang si direk Paul Soriano ang boyfriend ni Alex.

Mikee Morada ang name ng kanyang boyfie, 26 years old at may-ari raw ng ilang bangko sa Lipa, Batangas ang pamilya nito. Parang si Ogie Alcasid na ang pamilya ay nagmamay-ari rin ng mga bangko sa Batangas.

La Salle graduate raw ang boyfie ni Alex. Ipinost niya sa social media ang magkasamang picture nila ni Mikee na kuha sa isang okasyon.

Kung nakakuha si Toni ng poging husband, bakit naman hindi si Alex? Abang-abang nalang kung meant to be sina Alex at Mikee.

Apela agad

Wala pang formal announcement ang GMA kung sino ang magbibida sa remake ng “Mulawin,” umaapela na ang fans ni Alden Richards.

Nabalita kasing kumpirmado nang kasama sa cast si Dennis Trillo na kasama rin sa original “Mulawin” bilang Gabriel.

Nag-assume yata ang fans ni Alden na si Dennis ang magbibida sa pagbabalik sa ere ng “Mulawin.” Gusto nilang si Alden ang maging bida. Nagtala raw kasi ng mataas na rating ang “Encantadia” noong nag-guest ang kanilang idolo.

Sa pagkaalam namin, isang teleseryeng pagsasamahan nina Alden at Maine Mendoza ang inihahanda ng GMA na next year ang airing. Maliban nalang kung maiba ang plano at ikunsider sina Alden at Maine ang paganapin bilang Aguiluz at Alwina, respectively, sa remake ng “Mulawin.” Why not?

Tuksuhan

Mauwi kaya sa totohanan ang tuksuhan kina Raymart Santiago at Mylene Dizon? Ayon sa tsika, nag-umpisa ’yun noong nagkita ang dalawa sa isang birthday party. Nagkita lang, tuksuhan agad?

Baka naman may nag-flirt kung sino sa dalawa? Sa pagkaalam namin, may boyfriend si Mylene. Hiwalay naman si Raymart kay Claudine Barretto na friend ni Mylene.

comments