Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Aljur gustong makausap si Robin tungkol kay Kylie

Aljur gustong makausap si Robin tungkol kay Kylie

aljur-and-janine-foto-copy-copy

KUNG umiwas si Kylie Padilla mainterbyu ng entertainment press na dumalaw sa taping ng “Encantadia,” hindi naman naging maramot si Aljur Abrenica magsalita tungkol sa kanilang balikan nang nakausap namin sa pocket presscon para sa “Usapang Real Love.”

Sila ni Janine Gutierrez ang sunod na itatampok sa “Relationship Goals.” Four episodes ito na mapapanood simula sa Nov. 27, directed by Lem Lorca.

Ani Aljur, naramdaman na lang niyang gusto niyang balikan si Kylie. Two years din silang hiwalay at napag-muni-muni niyang talagang mahal niya si Kylie.

Sa kanilang second chance, parating kapakanan ni Kylie ang iniisip niya, ayon kay Aljur. “Lagi ko siyang binibigyan ng panahon. Iniiwasan kong magkaroon kami ng misunderstanding para hindi kami magkaroon ng gap. No expectations from her dahil unconditional ang love ko sa kanya,” pahayag ni Aljur.

Aniya, gusto niyang makausap si Robin Padilla para sabihing mahal na mahal niya si Kylie. “Wala pa lang kasing chance. Naghihintay ako ng tamang panahon. Gusto kong maiprisinta ang sarili ko at sabihin kay tito Robin na anuman ang nangyari noon, mahal na mahal ko ang anak n’yo.”

Ipinaglaban

Kung happy heart si Aljur Abrenica, hindi naman halatang heartbroken si Janine Gutierrez. Ayaw maniwala ang entertainment press sa sinabi niyang wala silang time for each other ni Elmo Magalona kaya nag-break sila.

“Hindi kinaya ng schedule namin,” ani Janine.

Hindi ba kapag gusto may paraan, kapag ayaw, may dahilan? Ngiti lang ang sagot ni Janine.

Two and a half years sila together ni Elmo at ani Janine, ipinaglaban naman niya ang kanilang relasyon. “Pag mahal ko, mahal ko talaga. As long as kaya ko, ipaglalaban ko. Kaya lang, bakit ko naman pipilitin kung talagang hindi na puwede?”

Walang bad words for Elmo si Janine kahit break na sila. Iipinagdarasal pa nga niyang maging successful ang kanyang ex-boyfriend.

“Kahit ano namang break-up, mahirap, masakit. Oo naman, iniyakan ko. But I still wish him the best. Hanggang du’n nalang ’yun. Maybe in the future, maging friends kami,” saad ni Janine.

Aniya, may closure naman ang kanilang break-up. Maayos silang nag-usap ni Elmo.

Last episode

Last episode this Sunday ang “Perfect Fit” ng “Usapang Real Love.” Nalaman na ang pagpapanggap ni Ella (Mikee Quintos).

Napahamak naman si Eugene (Andre Paras) sa pagsisinungaling niya. Maging perfect fit pa kaya sila for each other?

Tutok lang sa GMA at 5 p.m.

comments