Home » News » Headlines » Computer technician pinaslang

Computer technician pinaslang

Patay ang isang computer technician nang barilin ng dalawang hindi kilalang lalaki habang siya’y natutulog sa loob ng kanyang bahay sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Ayon sa police, mahimbing na natutulog si Jomari Gomo, 41, sa loob ng kanyang tahanan sa Barangay Bagong Silang nang biglang pumasok ang dalawang armadong lalaki at barilin siya bandang 12:50 a.m..

Wala nang buhay ang biktima sa kanyang kama nang datnan siya ng mga rumesponding pulis.

Na-recover sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng .45-caliber pistol.

Sinabi ng mga testigo na nakasuot ng helmet, black leather jacket at denim pants ang dalawang salarin na tumakas sakay ng motorsiklo.

Ayon naman sa pamilya ni Gomo, wala silang alam na kaaway ang biktima. (Jel Santos)

comments