Home » Entertainment » Barbie: No more talk about Kiko

Barbie: No more talk about Kiko

DESIDIDO na ang Kapuso Teen Queen na si Barbie Forteza na never na niyang pag-uusapan ang nangyari sa kanila ni Kiko Estrada.

Na-cut short ang relasyon nila Barbie at Kiko at walang nakakaalam kung ano talaga ang nangyari sa kanilang dalawa.

Unang na-link si Barbie kay Kiko noong gawin nila ang teleseryeng “That’s My Amboy.”

After umamin ang dalawa na nasa dating stage na sila, bigla na lang naging “single” si Barbie.

“I don’t want to talk about it.

“Basta it didn’t work out. It’s so yesterday. I think it’s time to move forward,” diin pa ni Barbie na magbibida sa kanyang bagong teleserye sa GMA-7 na may titulong “Meant to Be.”

Mas gusto pang pag-usapan ni Barbie ang kanyang pag-aaral ulit.

Nag-enroll si Barbie sa kursong BS Psychology sa University of Perpetual Help System sa Biñan, Laguna.

Noon pa hangad ni Barbie ang kumuha ng isang college course, pero dahil sa sunud-sunod na mga projects, lagi na lang daw nauudlot. Ngayon ay desidido na siyang tapusin ang pag-aaral niya.

Kaya no time for romance si Barbie dahil happy na raw siya na single muna siya.

“Lovelife was never my priority.

“No matter what age, hindi naman ako siguro mauubusan.

“It’s not really my top priority… All I’m saying is, puwedeng wala, puwedeng mayroon.

“Iba ‘yung masaya ako na masaya ako for myself, at ‘yung masaya ako na may nagpapasaya sa akin.”

Ngayon ay feeling long hair muna si Barbie dahil sa apat na leading men niya sa “Meant to Be” na sina Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner at Addy Raj.

Naikuwento pa ni Barbie na siya mismo ang pumili sa kanyang apat na leading men.

“Pinagkatiwalaan nila ako to personally choose my guys, my leading men.

“So ’yun, maraming, maraming salamat sa supporta sa akin, ng GMA Network at ng Artist Center. And I’m very excited to be working with the guys.

“Noong screen test pa lang, kahit nung off-cam din, they were very sweet and caring. Kasi syempre iniisip ko na in the long run, paano ’yung working relationship namin, paano kung suplado sila, paano kung arrogant. And even off-cam naman, they’re all good to me,” pagtatapos pa ni Barbie Forteza. (Ruel J. Mendoza)

comments