Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » ‘Mano Po 7’ tuloy ang parada

‘Mano Po 7’ tuloy ang parada

bea-foto1-copy-copy

SUPER excited pa naman si Bea Binene sa 2016 Metro Manila Film Festival Parade of Stars. Kaya lang, laglag ang “Enteng Kabisote 10: The Abangers” kung saan kasama siya sa cast.

Nagpa-reserba pa siya ng hotel room malapit sa venue ng pagmumulan ng parade. In any case, gagamitin pa rin nila ’yun at doon sila magtse-check in ng pamilya niya sa Pasko.

Ani Bea sa presscon ng “EK10: TheAbangers,” idol niya si Vic Sotto at nai-starstruck pa rin siya kapag nasa set sila.

Maliit pa siyang bata’y pinapanood na niya ang “Okay Ka Fairy Ko” sa TV. Nagkatrabaho sila sa “Vampire ang Daddy Ko” at lalo niyang hinangaan si Vic.

Thankful siyang isinama siya sa “EK10: The Abangers.” “It’s an honor working with him. Sana maulit muli,” Bea said.

“She’s one of the better young actresses today,” sambit naman ni Vic. “Gusto mo, mag-parade pa rin?

“Sakay tayo tricycle?” buwelta ni Bea.

Ayaw sana

Ayaw na sana ni Vic Sotto sumali sa MMFF this year dahil sa congressional hearing ay napag-alaman na niyang indie films lang ang tatanggaping entries ng selection committee.

Sinabi niya sa kanyang co-producers na hindi na muna siya gagawa ng festival movie. Then later, nabalitaan niyang nagkaroon ng pagbabago at hahatiin sa indie at mainstream movies ang selection. Apat-apat ang hatian.

Nagulat siya nang pawang indie films ang pumasok sa 8 official entries. Titingnan daw niya kung magdyo-join pa siya next year sa MMFF. “Try ko, para makasakay si Bea sa float,” ani Vic.

Bakasyon

Nagpakatotoo si Jessy Mendiola nang sabihin niya sa presscon ng “Mano Po 7: Chinoy” na halata naman sa pictures nila together ni Luis Manzano sa social media kung ano’ng estado ng kanilang relasyon. Ebidensiya ang sweet-sweetang poses nila.

Sa bagong post ng pictures nila ni Luis, nasa Phuket, Thailand sila for a vacation. Nag-swimming sila at nag-sparring ng Muay Thai. Naalala naming noong together pa sina Luis at Jennylyn Mercado. Mahilig din silang mag-sparring ng Muay Thai, lalo na ng jujitsu.

Hindi isyu kay Luis ang kissing scene nina Jessy at Enchong Dee sa “MP7: Chinoy.” Magandang abangan kung manonood si Luis ng premiere night on Dec. 9 sa SM Megamall cinema. Showing ito on Dec. 14 sa mga sinehan nationwide.

Magkakaroon ng parade ang buong cast, ayon sa mag-inang Regal Entertainment producers na sina Mother Lily at Roselle Monteverde. Abangan kung kailan at saan ang ruta nito. Masaya! Di ba naman?

comments